Pasado alas-once at pauwi ako nang mapansin ko na lahat ng tao sa neighborhood ay nasa labas ng kani-kanilang bahay. Bigla akong kinabahan. May sunog? May pinatay? Sinaniban ako ni Gus Abelgas at nakiishmukuy.
Biglang may sumigaw galing sa pinakadulong bahay.
Still unidentified voice: Hoy, Gerry!!!! Lumabas ka dito!!!! Sisirain ko ang pinto!!! Mayaman ako ngayon at puede kong sirain ang pintong to. Tang&(%^$ mo!!! Lumabas ka.
Upon closer inspection, nakilala ko ang sumisigaw as Gerald, kapatid ni Gerry. Kilala ko sila dahil may sari-sari store sila, kung saan ako bumibili ng RC (so probinsya!) Si Gerry ay isang karpentero. Si Gerald ay isang extra. YES, AS IN EXTRA SA MGA TV SHOW. Masyado ata niyang dinidibdib ang mga Star Magic acting workshops. Anyway, I asked neighborhood chikadora (who happens to live next door, that's why I'm ultra behaved; mahirap nang maging pulutan) who has an uncanny resemblance to THE Christy Fermin)
Me: Te, anong nangyayari jan?
Ate Chikadora: Hay nag-aaway yung magkapatid.
Me (thinking to myself, "Duh, obvious ba????"): Bakit ba?
AC: Ah kase, si Gerald, hiniram ang sapatos ni Gerry, binalik, putikan. Eh alam mo naman si Gerry, maingat sa gamit.
Me: Ohhhhhhhhhhh.
Me to myself: Oo nga, halata naman mas malinis itong si Gerry, si Gerald the actor, mas may itsura nga, pero mukhang parating gusgusin naman. But no, does this merit a public scandal? FRIGGING MUDDED SHOES??? But no, eto na ngang si Gerald ang sumira ng sapatos, siya pa ang galit! Meanwhile, AC was reading my expression and offered an explanation.
AC: Kase pinagkalat daw ata ni Gerry na sinira ni Gerald ang sapatos niya kaya di siya makapagbasketball. Hayon di sila lahat nakapagbasketball. Nainis yung mga katropa ni Gerry, di kinausap si Gerald. Kaya si Gerald ngayon tong galit.
My brief interview with AC was interrupted as apparently, Gerry had come out of their residence to confront his drunk brother. RAMBOL NA E2!!!!
Asawa ni AC: Hala, awatin natin!
Dahil maingat din ako at ayokong mabasag bungo ko, sumama lang ako para magka-closeup view ng mga pangyayari. Sumama si AC at si Donna, anak ni AC at ang iba pang mga kapit-bahay mula sa masmalalayong bahay. Tumigil kami mga 50 m. Ang mga cargyng barako + Kuya asawa ni AC, dumiretso para awatin ang magkapatid.
Me: Teka, nasaan na ba si Tita Elsie?
Tita Elsie is the matriarch of the clan.
AC: Ay, kanina pa nag-collapse.
Background: Tita Elsie is a legend when it comes to collapsing and the art of it. Mapa bisita ng Meralco para putulan sila ng kuryente (di nagbayad), ang kehaba-habang pila sa COMELEC registration (hinimatay daw dahil sa init), at ang pag-amin ni Kris Aquino na kinaliwa siya ni James, lahat cause for a fainting spell.
Tita Lucy (one of 'em neighbors, tindera sa palnegke): Hay naku, makatawag na nga ng tanod.
Tita Susan (one of the more promiment neighbors): Tatawag ako ng police.
Pagbaling ko ng atensiyon sa rambol na nagaganap, tagumpay na naawat ng mga lalake ang magkapatid. With matching declare na ang Gerald na "OK na ako, OK na ako." Medyo humupa na ang crowd nang konti nang bigalang umingay. Tumuakbo pala itong si Gerald sa bahay at dinampot si Emily, ang asawa ni Gerry. HOSTAGE E2.
Gerald: Tang*(^% mo Gerry. Sasakalin ko tong asawa mo kung di kita mabugbog!!!!
Balik takbo ang mga lalake para awatin si Gerald, ngunit nakaposisyon na ang mga kamay nito sa leeg ni Emily.
Gerry: Tang*^% mo Gerald. Pakawalan mo si Emily. Mag-usap tayo.
At last, dumating ang tanod with matching wang wang sound effects emanating from their jeep. Papunta na ang mga tanod para panghambalusin ng batuta si Gerald nang umentra amidst the crowd (na naka office attire pa) ang younger sister na si Rina, isang sekretarya sa isang recruitment agency sa Malate.
Rina: STOP IT!!!! Mga kuya (addressing the tanod), umuwi na kayo!!!! THIS IS A FAMILY AFFAIR!!!!
LUMAKI ANG MGA MATA KO!!! HINDI DAHIL SA EKSENA, NGUNIT DAHIL SUDDENLY SPOKENING DOLLAR BIGLA E2NG SI GARGUELAYNE.
Rina again: This is a WAR... A WAR between brothers. We'll fix it inside. Sige na, magsiuwian na kayo!!!! WE DON'T NEED NOSY NEIGHBORS!!!!!!!
I SO WANTED TO DO CARTWHEELS. WAR!!! BETWEEN BROTHERS!!! INDAY, IS THAT YOU?????? I was half expecting her to start saying, "Alms, alms, spare me a piece of bread..."
Nadisperse ang crowd. Pumasok ang mga actors and actresses sa loob. Naiwan sa labas ang sabit na si Emily, still gasping for breath.
Another evening in the neighborhood.